LGU NAGUILIAN, NAGBABALA SA MGA BUSINESS OWNERS

CAUAYAN CITY- Nagbabala ang Lokal na Pamahalaan ng Naguilian sa lahat ng may-ari ng negosyo hinggil sa isang scam na kinasasangkutan ng mga indibidwal na nagpapanggap bilang empleyado ng Business Permits and Licensing Office (BPLO).

Ayon sa ulat, may mga nagpapadala ng text messages upang manghingi ng karagdagang bayad para sa pagproseso o pagpapalabas ng business permits.

Mariing pinaalalahanan ng LGU Naguilian ang publiko na huwag magbigay ng anumang impormasyon o bayad sa mga kahina-hinalang mensahe.

Paalala ng LGU Naguilian na kapag naibigay na ang business permits, wala nang kailangang bayaran pang karagdagang fees.

Facebook Comments