Nagbunga ang pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 1 (PRO 1) laban sa ilegal na pagsusugal matapos maaresto ang 198 indibidwal sa 50 magkakahiwalay na operasyon na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Ilocos Region noong Hulyo 2026.
Sa isinagawang mga operasyon, umabot sa ₱150,797 ang halagang pinaniniwalaang bet money na nakumpiska ng mga awtoridad.
Kabilang sa mga sinawata ang iba’t ibang uri ng ilegal na pagsusugal gaya ng card games na may pustahan, color games, video karera, cara y cruz, bookies, at iba pang hindi awtorisadong operasyon.
Binigyang-diin ni Regional Director PBGEN ang aktibong pakikilahok ng publiko sa pagsugpo sa ilegal na pagsusugal upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Patuloy namang hinihikayat ng PRO 1 ang mga mamamayan na iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa mga opisyal na hotline ng PNP ang anumang impormasyon hinggil sa ilegal na pagsusugal at iba pang gawaing labag sa batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






