EHERSISYO SA MATINDING INIT, POSIBLENG MAGING DELIKADO- DOH

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) Ilocos Region sa publiko hinggil sa posibleng panganib ng pag-eehersisyo sa ilalim ng matinding init ng panahon, lalo na sa pagitan ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Ayon sa tanggapan, ang matagal na pagkakalantad sa mataas na temperatura habang gumagawa ng pisikal na aktibidad ay maaaring magdulot ng mga heat-related illnesses gaya ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Pinapayuhan ang publiko na iwasan ang mabibigat na ehersisyo sa oras ng kasagsagan ng init at piliin ang mas malamig na oras ng araw para sa pag-eehersisyo.

Hinihikayat din ang sapat na pag-inom ng tubig, pagsusuot ng preskong kasuotan, at agad na pagpapahinga kapag nakararanas ng sintomas tulad ng pagkahilo, panghihina, at labis na pag-init ng katawan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments