Binuksan na sa mga motorista ang pinalapad na Embarcadero Bridge sa Mangaldan na inaasahang magpapabilis sa daloy ng trapiko sa lugar.
May habang 156.90 metro ang tulay at nagsisilbing mahalagang koneksyon sa mga bayan ng Mangaldan, Manaoag, at Binalonan. Sa pagbubukas nito, inaasahang mas magiging maayos ang biyahe sa kahabaan ng Mangaldan-Manaoag-Binalonan Road.
Isinagawa ang inspeksyon bago ang pagbubukas ng mga kinatawan mula sa Department of Public Works and Highways Regional Office I at lokal na pamahalaan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, makatutulong ang proyekto hindi lamang sa pagresolba ng siksikan sa trapiko kundi pati sa pagpapabilis ng kalakalan at paggalaw ng ekonomiya sa mga kalapit-bayan.
Matatandaan noong Oktubre 2025, nang simulan ang proyekto dahilan ng paglilimita at minsa’y pagsasara para sa mga dumaraang motorista sa gabi upang bigyang-daan ang konstruksyon ng widening project. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








