DUMEPENSA | Artist sketch ng suspek sa pamamaslang sa Subic Bay, binatikos; PNP, umalma!

122

Ipinagtanggol ni PNP Chief Oscar Albayalde ang PNP Region 3 na naglabas ng artist’s sketch ng gunman sa pagpatay sa isang businessman sa Subic Bay Freeport.

Ito ay matapos na umani ito ng batikos dahil nakasumbrero ang suspek at face mask.

Ayon sa ilang netizens walang saysay ang paglalabas nito dahil hindi naman kita ang mukha ng suspek.

Kumakalat na rin ang iba’t-ibang memes sa social media.

Ngunit ayon sa PNP, hindi sila pwedeng mag-imbento ng mukha. Ang inilabas nilang artist sketch ay batay lamang sa salaysay ng nakakita sa gunman.
Magbibigay naman ng isang milyong pisong pabuya ang pamilya ng napatay na negosyanteng si Dominic Sytin sa makapagtuturo sa salarin.

Facebook Comments