Durant, dalawang linggong hindi makakalaro dahil sa knee injury

Dalawang linggong hindi makakalaro si Brooklyn Nets forward Kevin Durant.

Kasunod ito ng tinamo niyang injury matapos na makabanggaan si Jimmy Butler sa ikatlong quarter ng laban nila ng Miami Heat noong Linggo.

Batay sa anunsyo ng Nets, nagtamo si Durant ng ligament sprain sa kanang tuhod.


Si Durant ay malaking bahagi ng magandang simula ng Brooklyn sa NBA season na ngayon ay pumapangalawa sa Eastern Conference, kasunod ng Boston Celtics na may 27 panalo at 13 talo.

Samantala, ang 34-year old 12-time NBA All-Star ay may average na 29.7 points per game, 6.7 rebounds at 5.3 assists sa 39 na laro ngayong season.

Facebook Comments