SANDBAGS, IDINAGDAG BILANG SLOPE PROTECTION SA DINADALUYAN NG AGNO RIVER SA SANTO TOMAS

‎Dinagdagan ng sandbags ang slope protection sa dinadaluyan ng Agno River sa Santo Tomas para sa posibleng pagtaas ng tubig at epekto nito sa mga lugar na malapit sa ilog.

‎Isinagawa ang paglalagay ng sandbags sa koordinasyon ng LGU Santo Tomas, Department of Public Works and Highways (DPWH), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), Municipal Engineering Office, mga opisyal ng barangay, at mga residente.

‎Kasabay nito, mino-monitor din ang water level ng Agno River habang nakatutok ang mga awtoridad sa kondisyon ng ilog.

‎Nagbigay naman ng abiso ang lokal na pamahalaan sa mga residenteng malapit sa Agno River na bantayan ang mga opisyal na abiso sakaling tumaas pa ang lebel ng tubig. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments