Sabay sa mga pumapasadang kuliglig ang pagpapatuloy ng konstruksyon sa isinasagawang drainage sa bahaging ito ng Mayombo, Dagupan City nitong Lunes, August 31, 2026.
Kahit pa may tubig baha sa tabi mismo ng isinasagawang drainage ay itinuloy pa rin ang pagsasaayos nito.
Sa nakapaskil sa nasabing bahagi, nakalaan ang nasa ₱64,093, 266.81 na cost fund para sa pagsasagawa ng nasabing drainage.
Nasa ilalim ng Department of Public Works and Highways Regional Office 1 ang konstruksyon nito at nasimula noong July 20, 2026.
Bukod dito, ilang pa sa mga proyektong isinasagawa sa lungsod ang patuloy at mahigpit na binabantayan ng local government upang matiyak na mabilis at maayos na naisasagawa ang mga ito nang sa gayon ay pangmatagalan na mapakikinabangan ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






