HAPAG GARDEN SA BARANGAY POBLACION, ALAMINOS CITY LUMALAGO BILANG HAKBANG SA FOOD SECURITY

Patuloy na hinihikayat ang mga residente sa Barangay Poblacion sa Alaminos City na magtanim ng gulay at prutas sa kanilang mga bakuran sa pamamagitan ng HAPAG Program o Gulayan sa Barangay.

Batay sa pinakahuling update ng programa, unti-unti nang lumalago ang mga pananim sa HAPAG Garden bilang bahagi ng inisyatiba sa pagtataguyod ng seguridad sa pagkain at mas malusog na pamumuhay.

Ayon sa barangay, ang pagtatanim ng sariling gulay ay hindi lamang nakatutulong sa pangangalaga ng kalikasan, kundi nagbibigay rin ng sariwa at masustansyang pagkain para sa bawat pamilya.

Layunin ng HAPAG Program na mapalakas ang food security ng bawat tahanan, mabawasan ang gastusin sa pagkain, at maisulong ang isang malinis at luntiang pamayanan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments