
Sisikapin ng embahada ng Japan sa Pilipinas na maitakda ang limang araw lang na tourist visa processing mula sa mga travel agencies.
Ito ay sa kabila ng lumulobong bilang ng mga Pilipino na nais magtungo sa Japan bilang turista.
Gayunpaman, pinapayuhan ng Embahada ang mga nais maging turista sa Japan na planuhin maigi ang kanilang biyahe sa pamamagitan ng pagsa-submit ng mga tamang requirement sa mga travel agency isang buwan bago ang nakatakdang biyahe.
Sinabe rin ng Embahada ng Japan na kasalukuyan itong nag-a-upgrade ng screening system para ma-accommodate ang mas maraming visa applications.
Ayon sa Japan National Tourism Organization, noong nakaraang taon ay umabot sa 710,000 na Pilipinong turista ang bumista sa bansang Japan.
Facebook Comments