Hindi pa rin palalapitin ang mga barko ng Philippine Navy sa mga barko ng China na nasa West Philippine Sea (WPS).
Sa kabila ito ng paggamit na ng barko ng Navy ng People’s Liberation Army (PLA) sa pangha-harass sa mga barko ng Pilipinas sa may bisinidad ng Bajo de Masinloc.
Ayon kay National Maritime Council Spokesperson Vice Admiral Alex Lopez, posible kasing magresulta ito ng hindi maganda lalo na kung magkakalapit ang barko ng Philippine Navy at Chinese Navy.
Kaugnay niyan, patuloy pa rin aniyang ide-deploy ang Philippine Coast Guard (PCG) upang magbantay sa ating teritoryo at sa seguridad ng mga kababayan nating nangingisda sa karagatan.
Kanina nang makaranas ng panibagong pangha-harass ang barko ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang nagsasagawa ng maritime patrol.
Nasa limang barko ng CCG at PLA Navy ang lumapit, dumikit at delikadong nagmaneobra habang binomba rin ng tubig ang BRP Datu Pagbuaya.