DRUG-FREE COMMUNITY, PATULOY NA ISINUSULONG SA UMINGAN

Pinaiigting ng lokal na pamahalaan ng Umingan ang pangako nitong mapanatili ang ligtas, maayos, at malayang komunidad mula sa ilegal na droga sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Onsite Evaluation of Drug-Cleared/Free Barangays.

Layunin ng aktibidad na suriin at beripikahin ang mga programa, pagsisikap, at mga nagawa ng mga barangay sa pagsusulong ng isang ligtas, malusog, at drug-free na pamayanan.

Nakiisa sa naturang pagsusuri ang mga kinatawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, Umingan Police Station, Municipal Health Office, at mga kinauukulang opisyal ng barangay.

Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan at ng mga lokal na komunidad upang mas epektibong matugunan ang mga hamong dulot ng ilegal na droga.

Sa pamamagitan nito ay patuloy umanong palalakasin ang mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng mas ligtas na mga barangay kung sama-sama ang pagkilos, responsableng pamumuno, at aktibong pakikilahok ng mga residente.

Sa patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad, isinusulong ng bayan na makamit mas ligtas, maayos, at drug-free na pamayanan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments