Executive Secretary Lucas Bersamin at ilang kalihim, mananatili sa posisyon; ilang nakaupo sa pwesto, inilipat

Inanunsiyo ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang magiging pagbabago sa gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ay matapos ipag-utos ni PBBM sa mga kalihim at iba pang opisyal na maghain ng courtesy resignation.

Ayon kay Bersamin, retain bilang cabinet members sina:

DTI Sec. Maria Kristina Roque
Finance Sec. Ralph Recto
DepDev Sec. Arsenio Balisacan
Budget Sec. Amenah Pangandaman
Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go

Sa ngayon ay ang limang kalihim lamang muna ang ni-retain ni Pangulong Marcos Jr. na pawang bahagi ng economic team dahil mahalaga aniya ang pagtutok sa ekonomiya.

Patuloy naman ang evaluation sa ibang cabinet secretaries na naghain ng courtesy resignation.

Samantala, sa press briefing pa rin ay kinumpirma ni Bersamin ang pagreretiro ni Antonio Lagdameo sa darating na Hulyo at papalitan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo simula sa August 1.

Papalitan naman si Manalo ni Undersecretary Tess Lazaro bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Samantala, papalitan naman ni Energy Secretary Raphael Lotilla si Environment Secretary Toni Yulo-Loyzaga.

Magsisilbing officer-in-charge ng Department of Energy (DOE) si Undersecretary Sharon Garin.

Aalisin naman si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Rizalino Acuzar pero magiging presidential adviser para sa Pasig River Development.

Ipapalit kay Acuzar si Engr. Jose Ramon “Ping” Aliling para sa kalihim ng DHSUD.

Facebook Comments