Face-to-face classes, ‘healthier’ para sa mga mag-aaral ayon sa DOH

117

Nananawagan muli ang Department of Health (DOH) sa mga magulang at mag-aaral kaugnay sa pagdalo sa face-to-face classes.

Ayon sa DOH, mas “healthier” ang face-to-face classes ngayon sa bansa kumpara noong bahagyang mataas ang kaso ng COVID-19.

Makatutulong din anila ang in-person attendance para ma-develop ang cognitive, social skills at maging ang physical at mental health ng mga kabataan.


Samantala, siniguro naman ng DOH sa mga magulang na ligtas ang kanilang mga anak laban sa COVID-19 dahil nabakunahan at mayroon nang booster shot ang lahat ng nasa paaralan.

Facebook Comments