Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, nakaamba sa susunod na linggo

132

Abiso sa mga motorista!

Nakaamba na naman ang posibleng paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa pagtaya ng Unioil, bababa ng ₱1.50 hanggang ₱1.60 kada litro ng gasolina.


Habang tataas naman ng ₱1.00 hanggang ₱1.20 kada litro ng diesel.

Karaniwang ipinatutupad ang price adjustment sa petrolyo tuwing araw ng Martes.

Facebook Comments