Friday, April 24, 2026

FACEMASK, INIREREKOMENDA SA ALAMINOS CITY MATAPOS ANG BIGLAANG SUNOG SA SANITARY LANDFILL

Naglabas ng babala sa publiko ang Alaminos City Environment and Natural Resources Office (ENRO) kaugnay ng patuloy na usok at polusyon na dulot ng di-sinasadyang sunog sa sanitary landfill, kagabi, Abril 23.

Bilang pag-iingat, pinapayuhan ang mga residente na manatili na lamang sa loob ng bahay kung hindi kinakailangang lumabas upang maiwasan ang paglanghap ng maruming hangin. Kung hindi maiiwasan ang paglabas, hinihikayat ang paggamit ng face mask.

Iminumungkahi rin ang pagsasara ng mga bintana at pintuan upang hindi makapasok ang usok, gayundin ang pagpapanatili ng kalinisan sa loob ng tahanan.

Mas pinaalalahanan ang mga bata, matatanda, at mga may karamdaman sa paghinga na maging maingat dahil sila ang mas sensitibo sa epekto ng polusyon.

Patuloy na minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at maglalabas ng mga karagdagang abiso sa oras na magkaroon ng mga bagong update. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments