FARE MATRIX SA MGA TRICYCLE SA ALAMINOS CITY, IPINATUPAD KONTRA OVERCHARGING

Nagsimula nang magkabit ng fare matrix ang City Transportation Regulatory Unit (CTRU) sa mga tricycle sa Alaminos City upang matiyak ang malinaw at tamang paniningil ng pamasahe sa mga pasahero.

Ayon sa tanggapan, inilalagay ang fare matrix sa mga bahagi ng tricycle na madaling makita at mabasa upang magsilbing gabay ng publiko hinggil sa itinakdang pasahe batay sa destinasyon ng biyahe.

Sinabi ng tanggapan na layunin din ng programa na maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga drayber at pasahero, partikular sa usapin ng pamasahe at posibleng overcharging.

Hinimok naman ang publiko na agad ireport sa mga kinauukulan ang anumang paglabag o hindi pagsunod sa itinakdang pasahe upang mapanatili ang maayos at patas na sistema ng transportasyon sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments