FEJODAP, posibleng humirit ng taas-pasahe kasunod ng bigtime oil price hike

Pinag-aaralan ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na humirit ng dalawang pisong taas-pasahe sa jeep.

Ayon kay FEJODAP National President Ricardo Rebaño, ito ay kung magtutuloy-tuloy ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Giit ni Rebaño, marami sa kanila ang ngayon pa nga lang nakakabalik sa pamamasada ay sasalubungin na agad ng oil price hike.


Dahil dito, nangangamba sila na baka bumalik na naman sa pagko-construction ang ilan nilang kasamahan.

Kasabay nito, nanawagan ang grupo sa LTFRB na sundin na lamang ang inilabas nitong Memorandum Circular noong 2019 kung saan awtomatikong magpapatupad ng fare adjustment depende sa presyuhan ng gasolina at diesel.

Facebook Comments