Fil-Am Jordan Clarkson, bumida sa panalo ng Lakers kontra Phoenix Suns

53

NBA – Bumida ang Fil-Am player na si Jordan Clarkson sa panalo ng Los Angeles Lakers kontra sa Phoenix Suns sa score na 100-93.

Umiskor ng season high na 25-points sa loob ng 26 minutes si Clarkson mula sa bench.

Ipinagmalaki naman ng Fil-Am ang kanilang panalo na malaking bagay sa pagtatapos ng kanilang road trip sa kartada na 6-8.

Samantala, hindi pa rin umubra ang Orlando Magic kahit hindi nakapaglaro si Stephen Curry sa Golden State Warriors kung saan nanalo ang NBA defending champion sa score na 110-100.

Tinalo din ng Cleveland Cavaliers ang New York Knicks sa score na 104-101 kung saan nanguna sa panalo ang tandem nina Lebron James na may 23 points at 12 assists at Kyle Korver na may 21-points.

Facebook Comments