Final date at venue ng coronation night ng Binibining Pilipinas 2022, inilabas na!

93

Gaganapin ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

 

Ito ang inanunsyo ng mga organizer ng naturang beauty pageant sa kanilang Facebook page kung saan itinakda ito sa July 31 ng alas-diyes ng gabi.

 

40 na mga naggagandahang kandidata ang maglalaban-laban para sa pagkakataong kumatawan sa Pilipinas sa international stage.


 

Kabilang sa mga ito ang Bb. Pilipinas International; Bb. Pilipinas Grand International; Bb. Pilipinas Intercontinental at Bb. Pilipinas Globe.

 

Para sa mga karagdagang impormasyon ay bisitahin lang ang mga official social media account ng Binibining Pilipinas.

Facebook Comments