Mga pagbabago sa LTO-NCR, asahan na – Regional Director Verzosa

Nagsimula nang maglingkod ngayong araw si Roque Verzosa III bilang regional director ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO – NCR).

Ang LTO-NCR ay unang hinati sa dalawang sub-regions sa bisa ng isang Department Order na inilabas noong September 13, 2018.

Sa pagkakatalaga ni Verzosa, ang LTO-NCR East at ang LTO-NCR West ay pag-iisahin na lamang muli bilang isang regional office.


Ito ay binubuo ng 65 field district offices, extension offices, public at private motor vehicle inspection offices, at licensing centers.

Ayon naman kay Verzosa, asahan ang mga pagbabago sa LGO regional office.

Kabilang dito ang gagawin nilang evaluation sa workforce upang matiyak na naitatalaga sa tamang gawain ang mga tauhan nito.

Facebook Comments