FPJ Panday Bayanihan Partylist, No.1 sa San Carlos, Pangasinan — ang minamahal na bayan ni FPJ!

Opisyal nang kinilala ang FPJ Panday Bayanihan Partylist bilang nangungunang partylist sa lungsod ng San Carlos, ang bayan ng yumaong Fernando Poe Jr., matapos makakuha ng 17,145 boto. Ipinapakita nito ang matibay na suporta at tiwala ng komunidad sa adbokasiya at pamumuno ng partido.

Nagpahayag ng kanyang taos-pusong pasasalamat si Brian Poe, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist:

“Masantos ya ngarem, edsikayun amin! Magandang hapon po sa inyong lahat! Nabigyan po tayo ng pagkakataon na magsilbi bilang inyong tagapaglingkod at representative ng FPJ Panday Bayanihan Partylist sa 20th Congress. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagtiwala at sumuporta sa adhikain ng pagtulong ni FPJ.”

Dagdag pa niya, “Para sa mga kababayan ko sa Pangasinan, taus-puso po akong nagpapasalamat sa inyong pagmamahal. Numero uno po ang FPJ Panday Bayanihan sa San Carlos City! Talagang solid FPJ po tayo diyan.”

Ipinapakita ng kanyang pahayag ang lalim ng kanyang pasasalamat at ang matibay na ugnayan ng partido sa mga taga-San Carlos.

Habang ipinagdiriwang ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang makabuluhang pagkilalang ito, muling pinagtitibay ng partido ang kanilang walang sawang pagsisilbi sa mga mamamayan ng San Carlos. Ang tagumpay na ito ay patunay ng pagkakaisa at matibay na paniniwala ng komunidad sa kanilang adbokasiya.

Tinitiyak ng FPJ Panday Bayanihan Partylist na makikinig ito sa boses ng bawat mamamayan, uunahin ang kanilang pangangailangan, at makikipagtulungan sa mga lokal na pinuno upang maisulong ang mga programang tunay na magpapabuti sa buhay ng bawat San Carlenian.

Facebook Comments