2 OFW sa Amerika, nakatanggap ng tulong mula sa DMW

Nagpaabot ng tulong pinansyal ang Department of Migrant Workers (DMW) sa dalawang Overseas Filipino Workers o OFWs na kasalukuyang naka-confine sa magkahiwalay na ospital sa Miami, Florida, Estados Unidos.

Nakatanggap ang bawat isa ng cash aid na aabot ng P75,000 na galing sa aksyon fund ng DMW.

Ang isa sa OFW ay inatake sa puso noong Pebrero 2025 at ngayon ay ginagamot sa Jackson Memorial Medical Center.

Habang ang isa pang OFW ay isang cruise ship seafarer na nagpapagamot sa Intensive Care Unit (ICU) ng Florida Kendall Hospital.

Tinitiyak ng DMW sa mga OFW at kanilang mga pamilya na makarating ang tulong sa kanila saan man sila naroroon.

Facebook Comments