Petisyon laban sa BH Party-list, ibinasura ng Comelec first division

Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon laban sa party-list group na Bagong Henerasyon.

Matatandaan na sinuspinde ang proklamasyon ng nasabing party-list na nanalo sa 2025 midterm elections dahil sa mga nakabinbin ang disqualification petitions.

Sinasabing nag-ugat ang paghahain ng petisyon dahil sa umano’y partisan political activity ng mga nominee nito.

Sa inilabas na dokumento ng Comelec 1st division, hindi sapat ang mga dokumento na hinihingi nila sa petitioner na si Atty. Russel Stanley Geronimo kaya nagdesisyon sila na ibasura ito.

Sa ngayon, hindi pa rin tuluyang maipo-proklama ng Comlec ang Bagong Henerasyon “BH” Party-list dahil dedepende pa kung maghahain ng mosyon ang petitioner at kinakailangan na final and executory na ang desisyon.

Facebook Comments