FUEL SUBSIDY CARDS, IPAPAMAHAGI NA SA MGA TSUPER SA PANGASINAN NGAYONG BUWAN

Nakatakdang ipamahagi ngayong buwan ang mahigit 700 fuel subsidy cards sa mga tsuper at operators sa Pangasinan, ayon sa One Pangasinan Transport Federation.
Ayon kay Bernard Tuliao, presidente ng nasabing federasyon, kapag naipamahagi na ang mga card, halos 100% ng mga tradisyonal na tsuper at operators sa lalawigan ang magkakaroon na nito.
Dagdag pa ni Tuliao, naglabas na ng abiso ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na “ready to claim” na ang mga card at kasalukuyan na lamang na ipinoproseso ang mga kinakailangang dokumento para sa pamamahagi.
Hinihintay na lamang ng kanilang tanggapan ang opisyal na abiso mula sa Central Office.
Samantala, itinuturing na malaking tulong ang fuel subsidy lalo na sa gitna ng muling pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw.
Inaasahang tataas ang presyo ng diesel ng ₱1.50 hanggang ₱2.00 kada litro; ang gasolina ng ₱0.95 hanggang ₱1.40 kada litro; at ang kerosene ng ₱1.30 hanggang ₱1.40 kada litro.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments