Full Force Mobilization para sa halalan, ipinag-utos ng liderato ng PNP

Ilang araw bago ang 2025 Midterm Elections, todo na ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para tiyakin ang seguridad sa buong bansa.

Sa command conference sa Camp Crame, inilatag na ang final operational timeline para sa election security operations.

Ayon kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, nasa kritikal na yugto na ang preparasyon ng PNP. Binigyang-diin nito ang mahalagang papel ng pulisya sa pagpapanatili ng maayos, mapayapa, at malinis na halalan.

Simula bukas, May 8, ilalatag na ang full deployment ng mga pulis sa mga presinto at areas of concerns.

Panawagan pa ni Marbil sa mga pulis na manatiling alerto, propesyunal, at may integridad sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Facebook Comments