
Pinangunahan ng FVR Legacy Initiative ang dayologo ang iba’t ibang grupo upang pag-usapan ang komprehensibong stratehiya para magkaroon ng inclusive blue economy.
Kasama ng FVR ang Philippine Rural Reconstruction Movement.
Sinabi ni Roberto de Ocampo, dating Finance chief at co-chairperson ng FVR Legacy Initiative na sa ilalim ng blue economy ay magkakaroon ng sustainable fishing practices, epektibong pagbawas ng overfishing at ilegal na pangingisda na makasadama sa kabuhayan ng mga mangigisda.
Ipinunto ni De Ocampo na ang maayos na pamamalakad sa marine resources ay magpapalakas sa fish stock na magdudulot ng steady na kita sa mga Pilipino.
Kabilang sa nasabing dayalogo ang pagbibigay ng suporta para sa mga layunin ng Blue Economy Act upang matiyak ang patuloy na pag-unlad ng mga karagatan ng ating bansa.
Tinalakay ng workshop ang apat na isyu ng blue economy—ang fisheries, aquaculture at marine-based na mga produkto, Energy, Maritime Transport at Coastal and Marine Tourism.
Patuloy rin ang paglo-lobby ng iba’t ibang grupo para sa mas malakas na representasyon ng mangingisda sa Kongreso, gayundin ang paglikha ng isang Department of Fisheries and Aquatic Resources sa gitna ng mahinang pamamahala.
Kasama rin sa nakabinbin sa Senate ang Blue Economy Act, ang National WPS Day at Center for West Philippine Studies.