Giannis Antetokounmpo, lumagda ng 5-year contract sa Bucks

Lumagda na ng limang taong kontrata sa Milwaukee Bucks si National Basketball Association (NBA) superstar Giannis Antetokounmpo.

Ang nasabing kontrata ay nagkakahalaga ng $228 million o mahigit P4.53 billion at tinagurian na pinakamalaki sa kasaysayan ng NBA.

Kasabay nito, nagpasalamat naman si Antetokounmpo na naging NBA’s reigning two-time Most Valuable Player.


Tiniyak din nitong itutuloy ang kampanya na makasungkit ng kampeonato ng Bucks sa hinaharap.

Facebook Comments