Gilas Pilipinas, umusad sa quarterfinals ng FIBA 3×3 Asia Cup

59
Photo Courtesy: FIBA3x3

Abante na ang Gilas Pilipinas 3×3 sa quarterfinals ng FIBA 3×3 Asia Cup na ginanap sa Singapore.

Ito ay makaraang talunin ng national team ang host country sa iskor na 21-17.

Gayunman, bigo ang koponan sa China, 21-11.


Sa kabila ng talo, uusad ang Pilipinas sa quarterfinals makaraan itong magtapos sa top two spots ng Pool C.

Ngayong Linggo, makakasagupa ng Gilas ang Mongolia.

Habang maghaharap naman ang Austrlia at Chinese Taipei; China and Korea; at Japan at New Zealand.



Ngayong araw din gaganapin ang semifinals at finals ng tournament.

Ang Gilas Pilipinas 3×3 ay binubuo nina Almond Vosotros, Lervin Flores, Samboy de Leon, at Joseph Eriobu.


Facebook Comments