GINANG PALCE, NAUNA NANGNAKAPAGSABI SA KANYANG ASAWA SA NAKITANG PROBLEMA KAUGNAY SA KANYANG TRABAHOBAGO ITO MAPATAY

44
Naunang nakapagsabi sa kanyang asawa si Ginang Agnes Palce tungkol sa kanyang trabaho bilang internal Auditor ng ISELCO -2 bago pa man mangyari ang pagpatay sa kanya.

Ito ang inilahad ni Isabela Police Provincial Office (IPPO) provincial Director Julio R Go sa ginawang panayam sa kanya ng himpilang ito sa palatuntunang Straight to the Point.

Sa naging panayam ay sinabi ni Colonel Julio Go na noong kanyang nabisita ang lamay habang nakahimlay ang labi ni Ginang Agnes Palce sa bayan ng Tumauini ay kanyang nakakuwentuhan si Judge Ariel Palce, ang asawa ng pinatay at nasabi ng Huwes na nakapagkuwento na ang kanyang ginang ng mga bagay may kaugnayan sa trabaho nito sa ISELCO 2.

Ang ginang ay pinayuhan pa umano ni Judge Ariel Palce na maging hinay-hinay lang ito sa paggampan sa kanyang trabaho.

Hindi na idinetalye ni Colonel Go ang iba pang bagay na inilahad ni Judge Palce sa kanya pero sinasabing isa ito sa pangunahing bagay na nakatulong sa pagresolba ng kahindik-hindik na krimeng ito sa Isabela.

Magugunita na binaril si Ginang Agnes Palce, Internal Audit Manager ng ISELCO -2 ng dalawang riding in tandem noong hapon ng Mayo 25, 2022 na agad din namang nahuli ang ang dalawa at sila kasama ang dalawa pa ay nasampahan ng kasong murder sa RTC Ilagan.



Inihatid sa huling hantungan ang mga labi ni Ginang Agnes Palse noong araw ng Lunes sa Tumauini, Isabela.

Facebook Comments