GINANG, PINATAY NG KANYANG MISTER SA CAGAYAN

25
Nahaharap sa kasong Parricide ang isang lalaki matapos nitong patayin umano ang kanyang misis sa Pamplona, Cagayan noong Agosto 15, 2022.

Kinilala ang biktima na si alyas Tonyo, 50 taong gulang, barangay tanod habang ang biktima na kanyang misis ay si Alyas Eve, 50 taong gulang, walang trabaho na residente ng Purok 6, Brgy. Gattu, Pamplona, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Pamplona, nakatanggap sila ng hinggil sa insidente na kaagad naman nilang nirespondehan at doon nila nakita ang wala nang buhay ng babae sa kanyang kama na duguan ang leeg at balikat.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, selos ang tinitignang motibo sa likod ng krimen.

Ayon sa hipag ng biktima, nakatanggap ito ng mensahe galing sa anak ng biktima na tignan ang nanay nito.

Ito ay matapos makatanggap ng mensahe ang anak galing sa tatay nito na sinasabing nagsisisi ito sa ginawa.



”DKANSA MET MAMATI NENG, INKAY NGAMIN KITAEN TAPNU MAMATI KAYO, AGBABAWI NAK NGEM NALPASEN, DYAKUN MATEPPELAN T SAKIT NAKEM KO T MABASBASAK CP NA KEN TAWAG T LALAKI A KATXTMATE NA,” saad ng mesahe ng suspek sa anak.

Natagpuan ang bangkay ng babae sa kanyang bahay bandang ala- 1:00 ng hapon ng araw rin na ‘yon.


Sinubukan pang dalhin sa Pamplona Rural Health Unit ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Nagsasagawa naman ng hot pursuit operation ang Pamplona PS upang madakip ang suspek.

Facebook Comments