Libreng sakay para sa mga stranded na pasahero sa Commonwealth-Litex, ikinasa ng MMDA

Photo Courtesy: MMDA Facebook Page

Nagtalaga ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga bus na libreng masasakyan sa bahagi ng Commonwealth-Litex sa Quezon City.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, anim na bus at dalawang military trucks ang itinalaga ng ahensya para sa mga stranded na pasahero kada umaga, simula alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-8:00 ng umaga.

Dagdag nito ni Artes na ihahatid ang mga pasahero hanggang Welcome Rotonda.


Mananatili ang libreng sakay hangga’t kinakailangan ito ng publiko.

Samantala, sinabi naman ni Artes na makikipagpulong na sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board and Department of Transportation (LTFRB) upang makabuo ng long-term solution at para maibsan ang paghihirap ng mga pasahero.

Facebook Comments