Gobyerno, pinaghahain agad ng panibagong diplomatic protest laban sa China

Pinaghahain na agad ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada ang pamahalaan ng panibagong diplomatic protest laban sa China.

Ito ay matapos magsagawa ng dangerous maneuver ang Navy helicopter ng People’s Liberation Army (PLA) ng China sa light aircraft ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na naglagay sa panganib ng mga sakay nito habang nasa himpapawid sa Bajo de Masinloc.

Sinabi ni Estrada, marapat lamang na igiit ng gobyerno na ang ginawang ito ng China ay malinaw na paglabag sa international aviation safety protocols.

Wala aniyang duda na ito ay paghamak sa soberenya ng bansa.

Ayon pa sa mambabatas, walang dapat na sayanging oras sa paghahain ng diplomatic protest para igiit ang ating karapatan at i-demand ang pananagutan mula sa China sa pinakahuling insidente.

Facebook Comments