
Isinasagawa ngayong araw ang unang Barangay Labor Desk ng Pasay City para sa taong ito.
Ang nasabing labor desk ay nangyayari ngayon sa Barangay 183, Villamor Airbase sa Pasay City.
Kaakibat nito, mayroong 580 job vacancy ang maaaring pagpasahan ng mga aplikante.
Samantala, ang ilang fastfood chain, maging ang mga manpower agency, at isang kilalang supermarket chain ang handang magbigay ng trabaho at mag-hire on the spot.
Hanggang alas-3:00 ng hapon lamang ang Barangay Labor Desk Job Fair pero bubuksan ulit ito dito sa Barangay 183 Covered Court sa susunod na linggo February 27.
Facebook Comments