INSPEKSYON SA MGA ROAD AT DRAINAGE PROJECT SA BONUAN GUESET, ISINAGAWA
Mas pinaigting ang pagbabantay sa mga road at drainage project sa Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City upang matiyak na matatapos ang mga ito ayon sa itinakdang iskedyul at makatulong sa paglutas ng matagal nang suliranin sa pagbaha sa lugar.

Personal na ininspeksyon ni Mayor Belen Fernandez ang mga katatapos lamang na road at drainage projects sa Road Cantores at Purok Pagkakaisa, gayundin ang nagpapatuloy na road construction sa Bangusville.
Layunin ng inspeksyon na masiguro ang kalidad at tamang implementasyon ng mga proyekto.
Una nang inihayag ng alkalde ang halaga ng pagtitiyak na ang bawat proyekto ay naaayon sa project timeline upang agad na mapakinabangan ng mga residente ang mga imprastraktura.
Inaasahang makatutulong ang mas maayos na road at drainage system sa pagpapabilis ng daloy ng tubig-ulan, pagbabawas ng panganib ng pagbaha, at pagpapaganda ng kondisyon ng mga kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments