Kabilang ang mga estudyante sa 161 na nagtapos sa mandatoryong Theoretical Driving Course (TDC) noong Hunyo 19–20, 2026, na nagsisilbing mahalagang hakbang bago makapag-aplay para sa driver’s license.
Bukod sa kanila, nagtapos rin ang mga manggagawa, at mga nagnanais maging lisensiyadong motorista kung saan sumailalim sa pagsasanay at natutuhan ang mahahalagang kaalaman ukol sa mga traffic sign, batas at regulasyon sa kalsada, mga kinakailangan sa pagkuha ng lisensya, at tamang kasanayan sa ligtas na pagmamaneho.
Pinangunahan ng mga kinatawan ng LTO Rosales District Office, kasama ang kanilang mga kawani, ang pagsasagawa ng mga lecture, habang isinagawa naman ng EHK Medical Center ang kinakailangang medical examination ng mga kalahok.
Inaasahan na ang mga ganitong klase ng programa ay maihahanda ang mas maraming residente sa responsableng pagmamaneho at matiyak na ang mga bagong motorista ay may sapat na kaalaman sa batas-trapiko, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mas ligtas at disiplinadong paggamit ng mga kakalsadahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








