MANDATORY REVALIDATION NG LAHAT NG PWD ID HOLDERS SA SAN JACINTO, SINIMULAN

Sinimulan na ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng San Jacinto ang barangay-based reassessment, revalidation, at registration para sa Unified PWD ID.

Isinagawa ang aktibidad simula kahapon, Hunyo 29 hanggang Hulyo 2 sa mga Barangay Santo Tomas, Casibong, San Roque, at Imelda, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon sa kani-kanilang Barangay Hall.

Ayon sa PDAO, kailangang magpa-revalidate ang lahat ng kasalukuyang may hawak ng PWD ID para ma-update ang kanilang rekord sa National Council on Disability Affairs (NCDA) system at maiproseso ang kanilang Unified PWD ID.

Bukas din ang programa para sa mga bagong aplikante, maglilipat ng rekord, at magpapabago ng disability information.

Kinakailangan lang umano ng mga dokumento tulad ng medical certificate, certificate of disability, certificate of residency, valid ID, at mga larawan.

Pinayuhan din ng PDAO ang mga PWD na hindi makakadalo nang personal na maaaring magpadala ng guardian.

Alinsunod ang naturang inisyatiba sa pagdiriwang ng National Disability Rights Week ngayong Hulyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments