Kasabay ng pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week, isinagawa kahapon, Hulyo 6, ang naturang programa na naglalayong magbigay ng iba’t ibang libreng serbisyo para sa mga persons with disability (PWD) at iba pang residente ng lungsod.
Umabot sa 1,684 PWD beneficiaries ang nakinabang, kabilang ang pamamahagi ng libreng bigas, 50 wheelchairs, mga cane, 20 walkers, 100 Charitimba units, at libreng eye check-up na may nakahandang 2,000 eyeglasses, bukod pa sa iba pang serbisyong medikal at pangkabuhayan.
Ayon sa mga benepisyaryong PWD, malaking tulong ang mga serbisyong ito lalo na sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, gamot, at mga kagamitang kailangan nila tulad ng wheelchair.
Samantala, ayon kay Hon. Belen T. Fernandez, Mayor ng Dagupan City, ikinatuwa niya ang malaking bilang ng mga residenteng dumalo at nakinabang sa programa.
Nagpasalamat din siya sa mga katuwang na organisasyon at mga ahensyang nagbigay ng suporta upang maisakatuparan ang naturang aktibidad.
Patuloy namang umaasa ang mga PWD sa pamahalaan na palawakin pa ang mga programang nakalaan para sa kanila upang higit na matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Hiling din nila ang mas maraming oportunidad sa trabaho at pantay na akses sa mga serbisyong pampubliko bilang pagkilala sa kanilang mga karapatan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








