Nagsagawa ng coastal monitoring activity ang Wildlife Enforcement Officers (WEOs) katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office ( MENRO) Infanta at DENR-CENRO Alaminos City sa baybaying bahagi ng Cato, Infanta, Pangasinan, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na pangingisda at pagkuha ng mga protektadong yamang-dagat.
Pagsisiguro ito sa pagsunod sa mga umiiral na batas sa pangangalaga ng kalikasan at wildlife protection, partikular sa pag-iwas sa mga gawain na nakasisira sa marine biodiversity ng lugar.
Sa kanilang inspeksyon, tinutukan ng grupo ang kalagayan ng coastal area upang matukoy ang mga posibleng paglabag sa batas pangkalikasan at matiyak na ang mga yamang-dagat ay nananatiling protektado laban sa overexploitation.
Bilang bahagi rin ng koordinasyon, bumisita ang mga enforcer sa Philippine Coast Guard Sub-Station upang palakasin ang ugnayan at pagtutulungan sa pagbabantay ng mga baybaying dagat at pagpapatupad ng mga kaukulang regulasyon.
Ayon sa mga kinauukulan, mahalaga ang regular na monitoring at mas pinagtibay na inter-agency collaboration upang mapangalagaan ang yamang-dagat at masugpo ang mga ilegal na gawain na nakaaapekto sa ecosystem ng karagatan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








