SIMULATION EXERCISE SA BOMB THREAT, ISINAGAWA SA LINGAYEN

Isinagawa ang isang Simulation Exercise (SIMEX) kaugnay ng umaalingawngaw na bomb threat scenario sa Pangasinan National High School sa Brgy. Poblacion, Lingayen, na nilahukan ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Lingayen Fire Station kasama ang iba’t ibang katuwang na ahensya.

Ayon sa BFP, ang aktibidad ay nakatuon sa pagpapatibay ng koordinasyon at agarang pagtugon ng mga responders sa mga insidenteng may kinalaman sa bomb threat.

Sa isinagawang simulation, sinuri ang mga proseso ng pagresponde, evacuation procedures, at inter-agency coordination alinsunod sa emergency response protocols ng mga kalahok na institusyon.

Ayon pa sa BFP, ang ganitong mga pagsasanay ay mahalaga para mapanatili ang kahandaan sa mga posibleng banta sa seguridad sa loob ng mga paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments