Groundbreaking Ceremony ng Bagong Gusali ng PNP San Isidro, Isabela, Isinagawa

Cauayan City, Isabela- Pinangunahan ni PRO2 Regional Director PBGEN Steve Ludan ang isinagawang Groundbreaking Ceremony para sa itatayong bagong istasyon ng pulisya sa San Isidro, Isabela.

Aabot sa mahigit P4 milyon ang inilaang pondo sa pagtatayo ng bagong PNP station bilang bahagi ng proyekto ng Police Regional Office (PRO) 2 at lokal na pamahalaan ng San Isidro na pinamumunuan ni Mayor Vilmer Bravo.

Inihayag naman ni PMaj. Ricson Cabauatan, hepe ng PNP San Isidro, ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa ipinagkaloob na bagong gusali.

Pagtitiyak nito na mas lalo pa nilang pagbubutihin ang kanilang trabaho upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang bayan.

Kasama rin sa nasabing seremonya ang pinuno naman ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na si PCol. Julio Go at ilan pang opisyal ng PNP.

Layunin ng proyekto na bigyan ng maayos na gusali ang bayan upang lalong maging dedikado ang mga pulis sa kanilang tungkulin.

Facebook Comments