GROUNDBREAKING CEREMONY PARA SA BAGONG POLICE STATION 1 SA SANTIAGO, TAGUMPAY

Cauayan City– Tagumpay ang pagsasagawa ng groundbreaking ceremony para sa bagong gusali ng Police Station 1 na itatayo sa Barangay Ambalatungan, Santiago City.

Ang seremonyang ito ay pinangunahan nina Colonel Allen Rae Co, Chief Regional Staff ng Police Regional Office 2, Police Colonel Lucio L. Simangan Jr., City Director ng Santiago City Police Office.

Dumalo rin sa programa sina Santiago City Mayor Atty. Sheena Tan, 4th District Representative Engineer Joseph Tan, at Architect Armando S. Tan na siyang nagkaloob ng lote para sa itatayong gusali.


Nagpasalamat naman si Police Colonel Simangan sa walang sawang suporta ng lokal na pamahalaan at lalo na kay Architect Tan, dahil makatutulong ang proyektong ito upang makapagbigay ng mas maayos at modernong pasilidad para sa kapulisan, at epektibong serbisyo sa publiko at mapanatili ang kapayapaan sa lungsod.

Facebook Comments