
Cauayan City – Libreng serbisyong medikal ang hatid ng Adventist Medical Center Manila at US Doctors and Volunteer nurses sa mga residente ng Echague, Isabela.
Ang aktibidad na ito ay nagsimula noong ika-19 ng Enero at magtatagal hanggang sa ika-23 ng Enero, at nagaganap sa Echague District Hospital, Brgy. Ipil, Echague, Isabela.
Naging posible ang aktibidad dahil sa pakikipagtulungan ng Echague District Hospital – Pamahalaang Lalawigan ng Isabela, Echague Municipal Health Office, LGU Echague, Adventist Medical Center Manila, at US Doctors and Nurses Volunteers.
Kabilang sa libreng serbisyong medikal na hatid ay ang Breast Surgeries para sa Breast Cancer at Breast Masses, Gynecological Procedures para sa myomas at ovarian Cysts, Gall Bladder Surgeries, Mandibular/Parotid Surgeries, Cleft Lip/Palate Surgeries, Hernias, Thyroid Surgeries, at Minor Surgeries para sa Cysts, Lipomas, at iba pa.
Paalala naman sa lahat ng nais mabenepisyuhan ng mga nabanggit na surgeries, hindi tatanggapin ang mga walk-in patients at kinakailangan munang sumailalim sa Pre-screening kaya’t magpalista muna sa Municipal Health Office o sa Health Workers sa Barangay at antabayanan ang schedule ng at lugar kung saan gaganapin ng Pre-screening.