Grupo ng mga magsasaka mula sa Hermosa, Bataan, sumugod sa DAR

Sumugod sa sentrong tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang isang grupo ng mga magsasaka mula sa Barangay Sumalo, Hermosa, Bataan.

Sakay ng walong van, dumating ang mga miyembro ng Kababaihang Bisig ng Kaunlaran bitbit ang mga plakard na naglalaman ng pag-alma nila sa maanomalyang distribusyon ng lupa sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Kabilang sa mga nagpoprotesta ay mga magsasaka na hindi umano naisama sa ARB list


Humihingi ang mga ito ng diyalogo kay DAR Secretary Conrado Estrella III para humirit ng revalidation ng listahan.

Ayon kay Irene Suarez, miyembro ng Kabisig Sumalo, sa halip umano na mga lehitimong benepisyaryo, mga mayayaman at mga malapit na kamag-anak at kaibigan ang naisama sa listahan.

Facebook Comments