
Hindi na inaasahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lalapit sa kaniya ang sinumang mambabatas para komunsulta sa gagawing paglilitis kay Vice President Sara Duterte sa impeachment court.
Ayon kay Pangulong Marcos, nasa huridiksyon na ng mga senador na magsisilbing hukom, ang paglalatag ng procedures para sa impeachment.
May sarili aniyang paraan at patakaran ang Senado kung paano patatakbuhin ang pagdinig.
Muli ring iginiit ng pangulo na anuman ang mangyari ay walang magiging partisipasyon dito ang Palasyo.
Hinding-hindi rin sila manghihimasok tungkol dito dahil ang impeachment process ay nasa jurisdiction na ng senator judges.
Facebook Comments