GSW, target nang tapusin ang serye sa Game 6 at maiuwi ang kampeonato sa NBA Finals

95

Target nang tapusin ng Golden State Warriors ang serye sa Game 6 sa NBA Finals.

Kasunod na rin ito ng pagkanalo kanina ng Warriors laban sa Boston Celtics sa Game 5 sa score na 104-94 dahilan para umabanse sa serye sa 3-2.

Sa laro kanina na ginanap sa Chase Center Arena sa San Francisco, California, hawak ng Warriors ang first quarter at second quarter pero nagdoble kayod ang Celtics para makuha ng puntos sa third quarter.


Pero pagdating ng fourth quarter ay hindi na pinalusot ng GSW ang Celtics.

Gaganapin ang Game 6 sa homecourt ng Boston sa darating na Biyernes na magsisimula ng alas-9:00 ng umaga, oras sa Pilipinas.

Facebook Comments