Guro, patay matapos saksakin ng kaniyang mister sa mismong loob ng paaralan sa Las Piñas

Patay ang 51-anyos na guro matapos na pagsasaksakin ng 38-anyos nitong mister sa loob mismo ng paaralan sa Camias St. Brgy. Almanza dos, Las Piñas City kahapon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Las Piñas City Police, naganap ang krimen pasado alas-8 ng umaga kung saan sinamantala ng suspek na pumasok sa loob ng paaralan habang busy ang security guard.

Agad na tinungo ng suspek ang faculty office kung nasaan ang biktima at walang habas na pinagsasaksak ito sa iba’t ibang parte ng katawan sa harap mismo ng mga co-teachers.

Matapos ang krimen, agad ding nahuli ang suspek.

Nakuha ng mga awtoridad ang kitchen knife na ginamit ng suspek sa krimen.

Selos ang tinitingnang motibo sa nasabing krimen.

Kasalukuyang nakapiit sa Las Piñas City Police ang suspek na mahaharap sa kasong parricide.

Facebook Comments