
Kinumpirma ng Malacañang na natanggap ng Interpol Manila kaninang madaling araw ang official copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa impormasyon ng Presidential Communications Office, alas-9:20 nang umaga ngayong araw dumating sa bansa ang dating pangulo at ang kanyang grupo mula Hong Kong sakay ng Cathay Pacific CX 907.
Paglapag sa Maynila, inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating pangulo sa kasong crimes against humanity.
Samantala, sinabi naman ng Palasyo na si dating Pangulong Duterte at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at sinuri ng mga doctor ng pamahalaan.
Tinitiyak din na siya ay nasa maayos na kalagayan.
Ang mga opisyal ng PNP na nagpatupad ng warrant ay tiniyak na may suot na body camera.
Sa ngayon, nasa kustodiya na si FPRRD ng mga kinauukulan.