GWWR Summit, idinadaos ngayon araw kasabay ng selebrasyon ng International Women’s Month

Pinangungunahan ng ilang women leaders ang selebrasyon ngayong araw ng International Women’s Month sa pamamagitan ng Global Women Who RULE (GWWR) Summit.

Sa nasabing summit, itinatampok ang paggamit ng kapangyarihan ng social media sa pag-promote sa komunidad ng paggamit ng #DigitalForGood.

Sa ikatlong taon ng Summit, tampok ang 22 profiles ng Filipino women leaders mula sa iba’t ibang industriya na nagsusulong sa tinaguriang apat na pillars.


Kabilang dito ang Education, Mental Health, Human Rights, lalong-lalo na ang Violence Against Women (VAWC) at ang kalusugan ng komunidad.

Kabilang sa women achievers na magsasalita sa GWWR Summit si RMN Networks Executive Vice President and COO Erika Canoy-Sanchez.

Pangunahing beneficiary din ng GWWR Summit ay ang Alopecia Philippines at sa pakikipagtulungan ng The New Channel.

Facebook Comments