Justice Secretary Remulla, nagpositibo sa COVID-19!

41

Nagpositibo na rin sa COVID-19 si Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla.

Sinabi ito ni Remulla kasunod ng pagtanggi nito sa nakatakdang meet-and-greet session sa mga Justice beat reporters ngayong araw.

Ayon sa kalihim, noong Huwebes siya nagpositibo at umiinda lamang ng very mild symptoms.


Sa kabilang banda, sinabi rin nito na sapat na ang paggaling nito matapos ang apat na araw kaya babalik nito sa trabaho ngayong araw hanggang Miyerkules sa ilalim ng work from setup.

Mababatid na kinumpirma kamakailan ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nagpositibo sa COVID-19 sa ikalawang pagkakataon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Facebook Comments